![]()
Pag-amin na walang malinaw na basehan ang mga alegasyon laban kay Vice President Sara Duterte ang withdrawal ng House Prosecution Panel sa tatlong articles of impeachment.
Ito ang binigyang-diin ni Atty. Salvador Paolo Panelo Jr. kasabay ng pagsasabing maituturing na injustice at kawalan ng due process ang hindi pagbibigay ng oportunidad sa Bise Presidente na dipensahan ang kanyang sarili sa mga alegasyon.
Higit sa lahat, ipinagkait din anya kay VP Sara ang acquittal kung ang pagbabatayan ay ang mga ebidensya at ang Saligang Batas.
Binanggit din ni Panelo na nasayang ang mahigit isang bilyong pisong pondo ng gobyerno dahil sa pag-abandona sa tatlong articles of impeachment.
Isinama ng abogado ang Senate operating cost gayundin ang sahod ng mga mambabatas.