![]()
55 percent ng pamilyang Pilipino ang nagsabing sila ay mahirap, batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa self-rated poverty survey na isinagawa simula Sept. 21 hanggang 27 sa 1,500 respondents, tumaas ng 6 points ang percentage ng self-rated poor families mula sa 49% noong Hunyo, na tinatayang katumbas ng 16.8 million families.
Pinakamataas ang self-rated poverty sa Mindanao na nasa 64%; sumunod ang Visayas, 63%; Balance Luzon, 51%; at Metro Manila, 44%.
Samantala, bumaba naman sa 9% ang pamilyang nagtuturing sa kanilang sarili na nasa “borderline” noong Setyembre mula sa 14% noong Hunyo.
Hindi naman gaanong nagbago ang bilang ng “not poor” families na nasa 36%, matapos bumaba ng one point mula sa 37% noong June 2026.
