![]()
Sinuspinde ng Philippine Airlines o PAL ang lahat ng biyahe nito patungong Riyadh at pabalik.
Tatagal ang suspensyon hanggang November 29.
Batay sa advisory ng PAL, saklaw nito ang biyahe ng PR654 at PR655 bunsod na rin ng lumalalang sitwasyon sa King Khalid International Airport.
Tiniyak naman ng airline company na patuloy ang monitoring nila sa sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.
