dzme1530.ph

REALIGNMENT NG MGA KONGRESISTA SA PANUKALANG 2027 BUDGET, SISILIPIN NG SENADO

Loading

SISILIPIN ng Senado ang halos ₱199 bilyon na nirealign ng Kamara sa inaprubahan nilang General Appropriations Bill.
 
Sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na partikular nilang bubusisiin ang natapyas sa foreign-assisted projects na para sa kanya ay kailangan nang iprayoridad dahil lumalaki ang binabayarang penalty at interest.
 
Tinukoy ni Gatchalian ang Metro Subway at Commuter Rail na makatutulong para sa pagsasaayos ng transportasyon.
 
Sa inisyal na impormasyon na natanggap ni Gatchalian, may mga inilipat na pondo ang Kamara para sa medical assistance at assistance in individuals in crisis na mahalaga rin namang programa ng pamahalaan.
 
Gayunman, sinabi ni Gatchalian na kailangang matutukan na mga infrastructure projects upang bumilis ang paggalaw ng ekonomiya ng bansa.
 
Kasabay nito, kinumpirma ng Senate leader na iniatras nila ang kanilang target na pag-apruba sa panukalang budget dahil humaba ang kinakailangang panahon para sa impeachment trial.
 
Sinabi ni Gatchalian na posibleng abutin ng unang linggo ng December ang approval ng Senate version ng panukalang 2027 budget.

About The Author