dzme1530.ph

PAGMAMAY-ARI SA MGA PROPERTY NA IPINAKITA NG NBI, ITINANGGI NI VP SARA DUTERTE

Loading

ITINANGGI ni Vice President Sara Duterte na siya ang may-ari ng mga property na ipinakita ng National Bureau of Investigation o NBI.
 
Tinawag din niyang public deception ang pag-uugnay ng NBI sa kanya ng mga ipinakitang property.
 
Sinabi ni VP Sara na nakakabahala na ang NBI na pinopondohan ng pera ng taumbayan ay ginagamit ang kanilang mga operasyon sa mga gawaing walang malinaw na pakinabang sa publiko.
 
Iginiit ng Bise Presidente na ang lote na ipinakita ng NBI na kasama umano sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth ay hindi naman sa kanya.
 
Una nang sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na iniimbestigahan na nila ang mga properties upang masundan ang pattern na sinasabi ni dating police officer Rodulfo Gracioso Jr.

About The Author