dzme1530.ph

USDA, IBINABA ANG FORECAST SA SUGAR PRODUCTION NG PILIPINAS PARA SA MARKETING YEAR 2026-2027

Loading

Ibinaba ng United States Department of Agriculture (USDA) ang kanilang forecast para sa raw sugar production ng Pilipinas para sa marketing year 2026-2027, dahil sa iba’t ibang factors, kabilang na ang El Niño.

Ayon sa report, tinaya ng USDA Foreign Agricultural Service (FAS) Manila ang raw sugar production sa 1.7 million metric tons para sa MY 2026-2027.

Mas mababa ito ng 8% kumpara sa estimate na 1.85 million metric tons para sa MY 2025-2026.

Sinabi ng USDA Manila na patuloy ang red-striped soft scale insect infestation sa iba’t ibang sugarcane-producing areas na makaaapekto sa kasalukuyang marketing year.

Batay sa datos mula sa Sugar Regulatory Administration (SRA), inihayag ng USDA na 33% o 139,364 hectares ng 421,606 hectares ng sugarcane plantations sa Pilipinas ang apektado ng RSSI, as of Aug. 2026.

About The Author