dzme1530.ph

MAHIGIT 50% NG PUBLIC SCHOOLS SA BUONG BANSA, WALANG CCTV CAMERAS AT SECURITY GUARDS

Loading

Wala pa sa kalahati ng 47,000 public basic education schools sa buong bansa ang may CCTV cameras at security guards.
 
Ito ang inamin ni Education Assistant Secretary Roger Masapol sa House Committee on Basic Education and Culture.
 
Sinabi ni Masapol, batay sa kanilang security at safety audit, 49 percent lamang ng mga public schools ang may CCTVs habang 43 percent ang may security guards.
 
Mataas ito kumpara sa resulta ng audit noong June kung saan lumitaw na 36 percent ng public schools ang may CCTVs at 31.7 percent lang ang may security guards.
 
Sinabi ni Masapol na kabilang sa problema ay ang pondo para sa pagbili ng mga CCTV.
 
Ipinaliwanag ng opisyal na ang ₱500 million na budget para sa school safety at security sa proposed 2027 national budget ay gagamitin sa pagbili ng mga CCTV, pagkuha ng mga security guard at pagsasaayos ng mga bakuran.
 
Tinaya ni Masapol na hanggang 2028, malalagyan na ng CCTV ang lahat ng paaralan sa buong bansa.

About The Author