![]()
Nanguna sina dating Senador Grace Poe at Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa mga ibobotong senador para sa eleksyon sa 2028.
Ito ay batay sa pinakabagong survey ng Pulse Asia na isinagawa mula September 17 hanggang 24.
Sa survey, labinlimang posibleng kandidato ang lumitaw na may pag-asang manalo sa animnapu’t anim na pangalan na isinama sa survey kaugnay sa mga posibleng kumandidato sa Senado.
Batay sa survey, nakakuha si Poe ng 50.2 percent na suporta na sinundan ni Cayetano na may 46.5 percent.
Pasok din sa talaan sina Senador Robin Padilla, 45.9 percent, at Senador Raffy Tulfo, 44.4 percent.
Kabilang din sa posibleng pumasok sa pagka-senador sina Davao City Mayor Sebastian Duterte, 37.2 percent; dating Senador Manny Pacquiao, 36.5 percent, at Senador Loren Legarda, 33 percent.
Kasama rin sa mga pangalang posibleng manalo sina Makati City Mayor Nancy Binay, Senador Francis Chiz Escudero, Education Secretary Sonny Angara, media personality Ben Tulfo, TIEZA head Mark Lapid, Senador Jinggoy Estrada, showbiz personality Willie Revillame at dating Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor.
Isinagawa ang survey sa 2,400 adult Pinoy sa buong bansa sa pamamagitan ng face-to-face interview.
