dzme1530.ph

IKAAPAT NA STATUS CONFERENCE SA KASO NI DATING PANGULONG DUTERTE, ITINAKDA NG ICC BUKAS

Loading

ITINAKDA ng International Criminal Court o ICC bukas, araw ng Martes, ang ikaapat na status conference sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte habang nagpapatuloy ang paghahanda sa pagsisimula ng paglilitis.
 
Itinakda ang status conference mula 4 PM hanggang 5:30 PM, Manila time, at posibleng mag-reconvene pa ng 6 PM hanggang 7:30 PM kung kinakailangan.
 
Kabilang sa pag-uusapan ang trial readiness kasama na ang scheduling, witness presentation, evidence disclosure at support services para sa mga partidong sangkot sa trial.
 
Tatalakayin din ang ipinapanukalang daily sitting schedule para sa mga magbibigay ng opening statement at ang evidentiary block schedule para sa December.
 
Pakikinggan din ng mga hukom ang submission ng listahan ng mga testigo ng prosekusyon at ang tinatayang haba ng presentasyon.
 
Inaasahan din na magbibigay ng kanilang pagtaya ang depensa at ang Common Legal Representatives ng mga biktima.

About The Author