dzme1530.ph

IMBESTIGASYON SA UMANO’Y PAGBIBIGAY NG PERA NG CHINA AT HONG KONG SA KUMPANYA NA KONEKTADO KAY ATTY. MANS CARPIO, IPINANAWAGAN NG MALILIIT NA MANGINGISDA

Loading

Nagsama-sama ang mga small-scale fisherfolk mula sa Zambales para ipanawagan ang imbestigasyon sa umano’y pagbibigay ng pera ng China at Hong Kong sa kumpanya na konektado kay Atty. Manases Carpio na asawa ni VP Sara Duterte.
 
Sa manifesto na natanggap ni Deputy Speaker Jay Khonghun at Rep. Doris Maniquiz, umaapila ang grupo sa national government na silipin ito upang hindi maisakripisyo ang kanilang ikinabubuhay at karapatan sa West Phil Sea.
 
Aminado ang mga mangingisda na wala talaga silang kumpletong impormasyon sa umano’y ₱319-M remittances mula China at Hong Kong.
 
Pero giit ng grupo, nauunawaan nila ang implikasyon nito, lalo na sa kanilang kabuhayan.
 
Hindi lamang sa national gov’t umaapila ang mga mangingisda kundi maging sa Senado na umaakto bilang impeachment court na huwag itong balewalain.

About The Author