dzme1530.ph

PAGTANGGAP UMANO NG CHINA FUNDS NI VP SARA DUTERTE, POSIBLENG MAGDULOT NG ‘HIGHEST-LEVEL’ NATIONAL SECURITY THREAT KUNG TOTOO, AYON KAY PANGULONG MARCOS

Loading

Posibleng magdulot ng malaking banta sa pambansang seguridad “sa pinakamataas na antas” ang umano’y pagtanggap ng pondo mula sa China ng isang kumpanyang may kaugnayan kay Vice President Sara Duterte, kung mapatutunayang totoo.

Ito, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasunod ng kumpirmasyon ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa isinagawang impeachment trial, na tumanggap ang kumpanyang iniuugnay sa mag-asawang VP Sara at Atty. Mans Carpio ng ₱319 million mula sa China at Hong Kong.

Umaasa ang Pangulo na mapapabulaanan ang mga naturang alegasyon laban sa Bise Presidente dahil kabawasan ito sa kanyang mga alalahanin.

Binanggit din ni Marcos ang imbestigasyong sinimulan ng Department of National Defense (DND) sa mga paratang, kung saan binigyang-diin ang posibleng maidulot nito sa pambansang seguridad dahil sa mga naiulat na transaksyon.

Una nang inihayag ng National Security Council (NSC) na siniseryoso nila ang alegasyon at pag-aaralan ang napaulat na financial inflows mula sa China patungo sa kumpanyang iniuugnay sa mga Duterte.

About The Author