dzme1530.ph

MAHIGIT LIMAMPUNG PLANONG PAMAMARIL SA MGA PAARALAN SA SOUTH COTABATO, NAPIGILAN NG MGA AWTORIDAD

Loading

Binalaan ng Office of the Ombudsman ang mga kawani ng pamahalaan laban sa paggamit ng gasolina na inilaan para sa government vehicles, para sa mga pribadong sasakyan, sa gitna ng pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Ginawa ng Ombudsman ang babala kasunod ng reklamo ni Bohol 3rd District Board Member Dionisio Joseph Balite, laban kay Bohol 2nd District Provincial Board Member Vierna Mae Boniel-Magsalang na gumamit umano ng 100 liters ng gasolina para sa private vehicles sa halip na ikarga sa government vehicles noong 2024.

Sinibak ng Anti-Graft Court si Boniel-Magsalang bunsod ng two counts of serious dishonesty, at hindi na ito makakahawak pa ng anumang posisyon mula sa pamahalaan.

Binigyang-diin sa desisyon na ang isang public officer ay inaasahang magpapakita ng pinakamataas na antas ng katapatan at accountability, at ang kawalan ng integridad ay may katapat na parusang administratibo.

About The Author