![]()
Flinex ni Julia Barretto ang pagkikita nila ni F1 driver Charles Leclerc.
Sa Instagram, ibinahagi ng aktres ang kanyang mga litrato habang tila nagsha-shopping sa store ng isang sports brand.
Kabilang na rito ang larawan kasama ang Ferrari driver, na kanyang “tinag” pati na ang sports brand, sa caption.
Nag-iwan naman ng excited and jealous comments ang ilang celebrities, gaya nina Mikha Lim ng BINI at Isabel Oli habang napa-“OMG Jules” ang mommy ni Julia na si Marjorie Barretto.
Hindi tinukoy ng aktres kung saan niya nakilala si Charles, subalit sa latest Instagram post, masayang inanunsyo ng sports car driver na “I made it to Singapore.”
Gaganapin ang Singapore Grand Prix ngayong weekend.
