dzme1530.ph

DPWH SECRETARY VINCE DIZON, PINABULAANAN ANG “TSISMIS” NA BABALIK SIYA SA DOTR

Loading

Itinanggi ni Public Works and Highways Secretary Vince Dizon ang reports na babalik siya bilang kalihim ng Department of Transportation (DOTr).

Ginawa ni Dizon ang pahayag nang hingin ang komento nito kaugnay sa mga ulat na cabinet revamp kung saan inatasan umano siya na muling pamunuan ang DOTr.

Tinawag ito ng DPWH chief na tsismis at huwag maniwala dahil hindi ito totoo.

Kanina ay ininspeksyon ni Dizon ang Maysan Road, kasama si Valenzuela Mayor Wes Gatchalian.

About The Author