![]()
Kinansela ng Philippine Airlines ang biyahe nito mula Manila patungong Riyadh at pabalik dahil sa tumitinding tensyon sa Middle East.
Sa advisory ng PAL, kanselado ang PR654 mula Manila patungong Riyadh ngayong araw na ito at ang flight PR655 mula Riyadh patungong Manila sa October 10.
Sinabi ng PAL na nagpapatuloy ang assessment nila sa airport conditions at ang epekto nito sa mga susunod na flights.
Ipinaalam naman na sa mga apektadong pasahero ang kanselasyon at ang travel options para sa kanila.
