![]()
Hindi pa maiku-konsiderang pugante si Batangas Rep. Leandro Leviste, ayon sa Department of Justice.
Ipinaliwanag ni OIC Senior Deputy State Prosecutor Atty. Herbert Calvin Abugan na mayroong proseso na kailangang sundin bago maideklarang pugante ang mambabatas.
Idinagdag ni Abugan na bibigyan din ng korte si Leviste ng pagkakataon para harapin ang kaso nito.
Kahapon ay inisyuhan ng Regional Trial Court ng warrant of arrest ang kongresista dahil sa umano’y paglabag sa Public Service Act.
Gayunman, nasa France si Leviste na nag-aalaga sa kanyang ina na si Sen. Loren Legarda na naka-medical leave.
