dzme1530.ph

MAHIGIT LIMAMPUNG PLANONG PAMAMARIL SA MGA PAARALAN SA SOUTH COTABATO, NAPIGILAN NG MGA AWTORIDAD

Loading

Limampu’t tatlong planong pamamaril sa mga paaralan ang na-detect ng mga awtoridad sa loob lamang ng isang linggo, ayon kay Local Government Secretary Jonvic Remulla.
 
Sa ambush interview, sinabi ni Remulla na ang 53 planned shootings ay pawang sa South Cotabato at lahat ng ito ay napigilan.
 
Idinagdag ng kalihim na hindi na nila ito maaaring pag-usapan dahil lubhang sensitibo at kinasasangkutan ng Children in Conflict with the Law.
 
Ayon pa kay Remulla, nadakip din ng mga awtoridad ang 53 individuals na umano’y sangkot sa online threats at groomers.
 
Ilan aniya sa mga ito ay sumasailalim sa psychiatric counseling, habang ang iba ay dumadaan sa ibang procedures.

About The Author