dzme1530.ph

PANGULONG MARCOS, ITINALAGA ANG ANAK NI DATING ES BERSAMIN AT DALAWANG IBA PA BILANG ASSOCIATE JUSTICES NG CA

Loading

Nagtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng tatlong bagong Court of Appeals (CA) associate justices, at isa rito ay anak ni dating Executive Secretary Lucas Bersamin.

Sa Facebook post, inihayag ng Presidential Communications Office (PCO) na in-appoint ni Pangulong Marcos sina Allan Batarra Gepty, Leilani Marie Dacanay-Grimares, at Pia Cristina Bersamin-Embuscado bilang mga bagong mahistrado ng CA.

Sinabi ng PCO na ang appointments ng tatlo ay magpapalakas sa hudikatura at magbibigay ng suporta sa pangangasiwa ng hustisya sa bansa.

Si Bersamin-Embuscado ay itinalagang presiding judge sa Regional Trial Court Branch 198 ng Las Piñas City ni noo’y Pangulong Rodrigo Duterte noong 2018.

Si Gepty naman ay Undersecretary sa Department of Trade and Industry habang si Dacanay-Grimares ay presiding judge ng RTC Branch 294 ng Parañaque City.

About The Author