![]()
Muling itinaas nina Sylvia Sanchez at Nour Hooshmand ang watawat ng Pilipinas sa pag-rampa nila sa red carpet ng 31st Busan International Film Festival (BIFF) sa South Korea para sa kanilang pelikulang “Ria.”
Sa social media, ibinahagi ng Nathan Studios ang larawan ng dalawa na kuha sa naturang festival.
Ang “Ria” na dinirek ng Filipino filmmaker na si Arvin Belarmino ay mayroong world premiere sa BIFF sa ilalim ng Vision Asia section.
Ang 95-minute film ay Philippines – Netherlands – Norway – Saudi Arabia – Japan co-production.
Binuksan ang 31st Busan International Film Festival noong Oct. 6 at magsasara ito sa Oct. 15.
Tampok sa festival ang 316 films mula sa 59 countries, kabilang ang 247 official selections at 69 Community BIFF titles.
