![]()
Hinimok ni Justice Secretary Fredderick Vida si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na bumalik na sa bansa at sumailalim sa court jurisdiction.
Ipinaalala ni Vida na ang hindi pagsunod sa utos ng korte ay pagpapakita ng kawalan ng pagrespeto sa sistema.
Una nang naglabas ang Makati City Regional Trial Court ng arrest order laban kay Leviste dahil sa paglabag sa Public Service Act.
Maaari namang magpiyansa ang kongresista sa halagang 72,000 pesos.
Subalit alinsunod sa Revised Rules of Criminal Procedure, maaari lamang makapagpiyansa ang isang tao kung nasa ilalim na siya ng kustodiya ng batas.
