dzme1530.ph

PAGTATAGO NG MALAKING HALAGA NG PERA NI VP SARA SA PAMAMAGITAN NG MANAGER’S CHECK, INILUTANG NG PROSEKUSYON

Loading

Inilutang ng House Prosecution Panel sa impeachment trial kay Vice President Sara Duterte ang umano’y pagtatago ng malaking halaga ng pera ng Bise Presidente sa pamamagitan ng manager’s check.

Ayon kay Prosecution Lawyer James Bryan Ibrahim Alih, may pattern sa umano’y pagtatago ng pera.

Sa presentasyon ng prosekusyon, iniharap ang time deposit sa ilalim ng account nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at VP Sara na umaabot sa 96 million pesos noong 2010 na kinalaunan ay ginamit sa pag-purchase ng manager’s check na hindi naman nagamit.

Kinuwestyon ni Atty. Michael Poa ng defense panel ang presentasyon ng mga account dahil hindi naman ito pasok sa panahon ng panunungkulan ni VP Sara sa kanyang posisyon.

Naniniwala naman si Senator-Judge Panfilo Lacson na ang presentasyon ay para sa pagpapakita ng pattern at posibleng pagtatago ng pondo.

Binanggit naman ni Senator-Judge Tito Sotto ang impormasyon mula sa kanyang banker friend na tinatawag na tinikling ang pag-purchase ng manager’s check at kinalaunan ay ibabalik din sa original account.

Sinabi naman ni Senator-Judge Bam Aquino na ang tinikling ay kilalang paraan ng pagtatago ng pera.

Pinuna naman ni Senate President Sherwin Gatchalian na hindi niya nakita sa mga SALN ng Bise Presidente ang binanggit na halaga.

About The Author