dzme1530.ph

COA, PINAL NA PINAGTIBAY ANG 73-MILLION PESO NOTICE OF DISALLOWANCE SA CONFIDENTIAL FUNDS NA NI-RELEASE NG OVP NOONG DEC. 2022

Loading

Pinagtibay ng Commission on Audit (COA) with finality ang kanilang Notice of Disallowance sa disbursement ng ₱73 million sa confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) simula Dec. 22 hanggang 31, 2022.

Sa labinlimang pahinang resolusyon, sinabi ng komisyon na acknowledgement receipts lamang ang isinumite ng OVP para mapatunayan ang confidential expenses.

Hindi rin nag-comply ang OVP sa rules ng COA, sa Joint Circular sa disbursement ng confidential funds, at sa National Budget.

Ipinaliwanag ng COA na ang obligasyong isauli ang disallowed confidential expenses ay parehong nasa direktang responsibilidad ng approving, authorizing, at certifying officers; at sa mga tumanggap ng disallowed amount.

Samantala, inihayag naman ng OVP na wala pa silang natatanggap na kopya ng October 5 resolution sa Notice of Disallowance.

About The Author