dzme1530.ph

PRESYO NG MANOK, TUMAAS NG SAMPUNG PISO KADA KILO BUNSOD NG BUMABANG SUPPLY

Loading

Tumaas ang presyo ng manok ng sampung piso kada kilo dahil sa bumabang supply, ayon sa United Broiler Raisers Association (UBRA).

Sinabi ni UBRA Chairman Emeritus Gregorio San Diego na tumaas ang presyo ng manok nitong nakaraang linggo dahil naghahanda na ang suppliers para sa demand ngayong Kapaskuhan.

Nagbabakasakali rin aniya ang mga supplier na makabawi dahil sa matagal na pagkakalugi.

Idinagdag ng UBRA na may ilang retailers na piniling itaas ang kanilang presyo sa gitna ng mas mababang supply.

Nilinaw naman ng grupo na walang shortage sa supply ng manok.

About The Author