dzme1530.ph

SENADOR LOREN LEGARDA, MULING NAGHAIN NG EXTENSION NG MEDICAL LEAVE

Loading

Kinumpirma ni Senate President Sherwin Gatchalian na muling pinalawig ni Senador Loren Legarda ang kanyang medical leave.
 
Sinabi ni Gatchalian na sa pagkakaalam nila ay patuloy pang nagpapagamot at nagpapahinga si Legarda dahil sa seryoso nitong medical condition.
 
Nagsimula ang medical leave ni Legarda noong August 3 at huli siyang dumalo sa sesyon ng Senado noong July 29.
 
Sinabi ni Atty. Tony La Viña, tagapagsalita ni Legarda, na nasa France ang senadora at nagpapagamot sa kanyang sakit sa baga at autoimmune condition.
 
Nilinaw naman ni Gatchalian na papayagan pa rin nilang bumoto sa impeachment si Legarda kung makakapasok ito sa araw ng verdict.

About The Author