![]()
Muling bumilis ang pagtaas ng presyo ng mga produkto noong Setyembre dahil sa mataas na presyo ng pagkain at utilities costs.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, naputol ang apat na buwang magkakasunod na pagbaba ng inflation rate.
Sinabi ni National Statistician at PSA Chief Claire Dennis Mapa, naitala sa 7.2 percent ang inflation rate noong September na mataas kumpara sa 6.1 percent noong August.
Ang September inflation rate ay katulad ng naitala noong April 2026 na pinakamataas na naitala simula noong March 2023 kung saan naitala ito sa 7.6 percent.
Dahil dito, naitala sa 5.4 percent ang year-to-date average inflation rate na mataas sa ceiling ng gobyerno sa pagitan ng two hanggang four percent.
