![]()
Bumaba ng halos 30 percent ang walong focus crimes sa bansa sa ikatlong quarter ng 2026, dahil sa sustained police operations at mga hakbang na buwagin ang criminal groups.
Sinabi ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. na 7,233 focus crime incidents ang naitala simula Hulyo hanggang Setyembre ngayong taon.
Mas mababa ng 29.75% kumpara sa 10,296 cases na naitala sa kaparehong panahon noong 2025.
Sa buwan lamang ng Setyembre, bumaba ang mga kaso sa 2,063 mula sa 3,226 noong nakaraang taon.
Sa kabila naman ng improvement, inihayag ng PNP chief na hindi sila nagpapaka-kampante at patuloy nilang titiyakin ang kaligtasan ng publiko.
