![]()
Nakakolekta ang Bureau of Customs (BOC) ng ₱757.406 billion simula Enero hanggang Setyembre, lagpas sa target collection sa unang siyam na buwan ng taon.
Ayon sa BOC, ang naitalang koleksyon ay sobra ng ₱8.913 billion mula sa target na ₱748.494 billion, o 1.2 percent.
Nakapag-generate din ang Customs ng ₱55.735 billion na mas mataas ng 7.9% na nai-record sa kaparehong panahon noong 2025.
Sa buwan lamang ng Setyembre, nakakolekta ang BOC ng ₱93.339 billion, na lagpas ng ₱4.155 billion mula sa target na ₱89.184 billion.
