dzme1530.ph

MILITARY HELICOPTER NA MAY LULANG 32 KATAO, NAG-CRASH SA NIGERIA

Loading

Nag-crash ang Nigerian military aircraft na may luláng dalawampu’t limang pasahero at pitong crew members malapit sa naval base sa southwestern Ondo State.
 
Ayon sa Aviation Minister, ito’y matapos mawalan ng contact ang helicopter sa air traffic control habang patungo sa Lagos.
 
Natagpuan ang wreckage malapit sa naval base sa coastal town ng Igbokoda, kung saan nagsasagawa na ang mga awtoridad ng search and rescue operations.
 
Samantala, wala pang kumpirmasyon hinggil sa casualties mula sa naturang trahedya.

About The Author