![]()
Inanunsyo ng grupo ng truck operators ang tatlong araw na suspensyon sa kanilang biyahe simula bukas, Oct. 6, para sa tinawag nilang transport holiday.
Paraan ito ng Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP) upang ipanawagan sa gobyerno na resolbahin ang mga problema sa trucking industry.
Ayon sa grupo, ang mataas na presyo ng langis at mga problemang kinasasangkutan ng shipping line operations ang kabilang sa kanilang biggest concerns.
Inireklamo rin ng truckers group ang unregulated destination charges, truck ban policies, at kakulangan ng truck drivers.
Inilarawan ni CTAP President Mary Zapata ang sitwasyon ng trucking industry ngayon na mas malala pa kaysa noong pandemic.
