dzme1530.ph

MAS MARAMING PINOY, SWAK SA DIGITAL ECONOMY DAHIL SA MABABANG GCASH IPO

Loading

Maaaring magbukas ng pagkakataon para sa mas maraming Pilipino ang final price na ₱6.60 bawat share ang initial public offering (IPO) ng Mynt Inc. na maging bahagi ng pagmamay-ari ng isa sa higanteng digital platforms sa bansa, ayon kay Rep. JP Padiernos.
 
Sa halagang ₱6.60 per share, kailangan lamang ₱660 ng isang investor para makabili ng 100 shares, bago ang kaukulang fees at charges.
 
Mas mababa ito kumpara sa dating itinakdang ₱10 maximum offer price ng IPO.
 
Maaari rin nitong gawing mas madali para sa mga first-time investor ang pagpasok sa stock market, lalo na’t inaasahang magiging available ang GCash shares sa pamamagitan ng GStocks sa GCash app.
 
Habang ang mga kwalipikadong local small investors ay maaaring mag-subscribe sa pamamagitan ng PSE Easy platform ng Philippine Stock Exchange.

About The Author