dzme1530.ph

Mahigit 59K trabaho, alok sa Labor Day

Inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mahigit 59,000 trabaho ang alok sa iba’t ibang jobs fair sa buong bansa bilang bahagi ng nalalapit na pagdiriwang ng Labor Day sa May 1.

Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na 678 employers ang mag-aalok ng 59,354 local and overseas employment opportunities sa 38 job fair venues.

Kaugnay ito sa gaganaping 121st Labor Day Celebration na may temang “Pabahay, Bilihing Abot-Presyo, Benepisyo ng Matatag na Trabaho para sa Manggagawang Pilipino.”

Isasagawa ang mga aktibidad sa 16 na regional sites, kung saan ang National Capital Region ang magsisilbing main event site.

Kabilang sa top industries ay ang BPO, manufacturing, financial and insurance, manpower services, at sales and marketing. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author