dzme1530.ph

NBI, INIMBITAHAN ANG MAGKAPATID NA SARA AT PAOLO DUTERTE AT SI DATING SPEAKER LORDD ALLAN VELASCO PARA IPALIWANAG ANG KANILANG PANIG SA ALEGASYON TUNGKOL SA CASH DELIVERY

Loading

Inisyuhan ng imbitasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sina Vice President Sara Duterte, Davao City Rep. Paolo Duterte, at dating House Speaker Lord Allan Velasco, habang nagpapatuloy ang kanilang fact-finding investigation sa umano’y delivery ng mga maleta na may lamang pera.
 
Kahapon ay nagtungo ang mga tauhan ng NBI sa bahay ni Velasco sa Pasig City para isilbi ang imbitasyon sa kanya na magtungo sa tanggapan ng ahensya sa Oct. 5.
 
Layunin ng imbitasyon na mabigyan ang dating Speaker ng pagkakataon para sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya.
 
Nagpadala rin ng imbitasyon ang NBI sa magkapatid na Duterte, na kapwa pinangalanan ng dating pulis na si Rodulfo Gracioso Jr. sa paratang nito kaugnay sa delivery ng malaking halaga ng pera.

About The Author