![]()
Hinikayat ni Interior Secretary Jonvic Remulla si former House Speaker Lord Allan Velasco at maybahay nito na bumalik sa Pilipinas.
Sa gitna ito ng alegasyon na nag-uugnay sa mag-asawa sa cash deliveries sa mga miyembro ng pamilya Duterte.
Sa ambush interview, hinamon ni Remulla ang mag-asawang Velasco na sumailalim sa polygraph test para malaman kung sino talaga ang nagsasabi ng totoo.
Ginawa ng kalihim ang hamon matapos sumailalim ang dating pulis na si Rodulfo Gracioso Jr. sa polygraph examination na pinangasiwaan ng National Bureau of Investigation (NBI).
Noong nakaraang linggo ay lumutang si Gracioso at isiniwalat na nag-deliver siya ng mga maleta na naglalaman ng mahigit ₱2 billion na cash kay Vice President Sara Duterte, sa ama nito na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, at sa kapatid na si Cong. Paolo Duterte.
Sinabi ni Gracioso na inutusan siya ni Velasco habang nagsisilbi siya rito noon bilang security aide.
