![]()
Inihayag ng Department of Budget and Management (DBM) na mahigit ₱11 billion mula sa panukalang ₱7.2-trillion 2027 national budget ang inilaan para sa TUPAD Program ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Sinabi ng DBM na magbibigay ang ₱11.04 billion na alokasyon para sa TUPAD ng temporary employment at income support sa 672,776 disadvantaged and displaced workers sa buong bansa.
Idinagdag ng ahensya na bagaman kaparehong level ang halaga ng alokasyon para sa programa ngayong taon, ang TUPAD sa 2027 ay magbibigay ng mas mahabang suporta sa mga qualified long-term beneficiaries, na may prescribed work period na itinaas sa 45 days mula sa 20 days.
Itinaas din ang suporta para sa personal protective equipment (PPE) sa ₱400 per beneficiary mula sa ₱350.
