dzme1530.ph

Halos 4K katutubo, nabigyan ng tulong at serbisyong medikal sa Palawan

Sinuportahan ng Philippine Coast Guard (PCG) District Palawan ang apat na araw na medical and dental mission ng Youth With A Mission (YWAM) Ships Philippines at ng Department of Health (DOH) sa Brooke’s Point, Palawan, kamakailan.

Humigit-kumulang 4,000 residente at katutubo na naninirahan sa Barangay Ipilan, Barangay Calasaguen, Barangay Aribungos, at Barangay Mainit ang nakatanggap ng serbisyong medikal, food packs, hygiene kits, at mga gamot.

Ang mga kalahok na stakeholder ay nagbigay din sa mga benepisyaryo ng libreng serbisyo sa pagpapagupit at mga espirituwal na sesyon. —sa ulat ni Felix Laban

About The Author