![]()
Posibleng magtapos na ngayong unang linggo ng October ang panahon ng Southwest Monsoon o habagat, ayon sa PAGASA.
Sinabi ni Weather Forecaster Leanne Loreto na senyales ito na matatapos na ang tag-ulan.
Ipinaliwanag ni Loreto na mababawasan na ang mga pag-ulan lalo na sa kanlurang bahagi ng bansa.
Sa mga nakalipas na taon, nagtatapos ang habagat season sa unang kalahati ng buwan ng Oktubre.
Sa pagtatapos ng habagat, inaasahang papasok na ang humid easterlies bago ang Northeast Monsoon o amihan.
Dahil naman sa El Niño, hindi magiging matindi ang lamig na aasahan sa pagpasok ng amihan.
