dzme1530.ph

MAHIGIT 120 CHINESE NATIONALS, NASAKOTE NG NBI SA “LUST SCAM” OPERATION SA MAKATI

Loading

Inilunsad ng Russia ang pinakamalaking pag-atake sa energy infrastructure sa Ukraine, simula nang mag-umpisa ang spring, na ang pangunahing target ay ang Kyiv at mga nakapaligid ditong rehiyon.

Ayon kay Ukrainian Prime Minister Serehii Koretskyi, hindi bababa sa limang katao ang nasawi sa magdamag na mga pag-atake sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kabilang ang isang bata sa Kyiv region.

Matapos malagpasan ang tinawag nilang “difficult night” para sa kabisera, naibalik ang supply ng kuryente sa walumpung libong kabahayan.

Inihayag naman ng Russian Defence Ministry na isa sa kanilang targets ang Trypilska Power Station, na pinakamalaking supplier ng kuryente sa Kyiv.

Kinumpirma ng operator na napinsala ang kanilang planta.

About The Author