![]()
Sigurado nang may makukuhang at least bronze medal si Filipina tennis sensation Alex Eala sa nagpapatuloy na 2026 Asian Games na ginaganap sa Japan.
Ito’y matapos padapain ng bente-uno anyos na Pinay si Joanna Garland ng Chinese Taipei, sa score na 7-5, 6-0, para maka-advance sa semifinals ng tennis women’s singles event.
Gayunman, sa women’s doubles, kinapos si Eala at ang kanyang partner na si Shaira Rivera sa tandem nina Jiang Xinyu at Zhang Zhaoxuan ng China, kung saan nagtapos ang kampanya ng bansa para sa naturang event.
