![]()
Ibinasura ng Supreme Court ang magkakahiwalay na petisyon na kumukwestyon sa ruling ng Senate Impeachment Court na ibase ang voting threshold para sa conviction ni Vice President Sara Duterte sa bilang ng mga senador na nagpa-participate sa proceedings.
Dinismiss ng Supreme Court en banc ang petitions na inihain nina dating Executive Secretary Vic Rodriguez, Berteni Causing, at Atty. Ernesto Francisco Jr. dahil sa procedural grounds, kabilang ang kawalan ng standing at pagiging premature.
Humihirit ang mga petitioner na maglabas ang Kataas-taasang Hukuman ng temporary restraining order o status quo ante order laban sa implementasyon ng naturang ruling.
Noong nakaraang linggo ay nagbotohan ang Impeachment Court para sa bilang ng mga senador na pagbabatayan ng two-thirds votes na kinakailangan para sa conviction.
