![]()
Inilunsad ng Dapat Isa Lang Coalition ang kanilang online platform para sa kanilang signature campaign para sa pagsasabatas ng tunay na anti-political dynasty law.
Layunin ng koalisyon na ipagbawal ang political dynasties hanggang sa 4th civil degree of consanguinity, kung saan isang miyembro lamang ng isang pamilya ang pinapayagang humawak ng national elective position at isa lamang sa lokal na posisyon sa bawat pagkakataon.
Ayon sa Dapat Isa Lang Coalition, ang mga interesadong indibidwal ay maaaring bumisita sa D1L.ORG para magpatala.
Unang naglunsad ang koalisyon ng signature campaign noong Mayo para makalikom ng hindi bababa sa pitong milyong pirma o 10 percent ng registered voters sa bansa.
