dzme1530.ph

Heat trend sa bansa, tumaas sa nakalipas na 30 taon

Sumirit ang heat trend sa bansa sa nakalipas na 30 taon.

Binigyang diin ni PAGASA Deputy Administrator Esperanza Cayanan, na ang pagtaas ng init ay epekto ng climate change.

Sinabi ni Cayanan na ito ay dahil sa global warming kaya nagreresulta ito ng mas mainit na panahon kapag tag-tuyot at mas maulang panahon kapag tag-ulan.

Gayunman ayon kay Cayanan, hindi pa agad mararamdaman ang kakulangan ng tubig sa bansa dala ng El Niño phenomenon.

Aniya, may inaasahan pa kasing above average na dami ng ulan bago maranasan ang epekto ng El Niño sa huling quarter ng 2023.

Kaya payo ng PAGASA sa publiko, dapat mag-imbak ng tubig papunta sa huling quarter upang hindi magkaroon ng kakulangan sa susunod na taon. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author