![]()
Balik bansa ang Nation’s Girl Group na BINI matapos ang Australia at New Zealand leg ng kanilang 2026 World Tour.
Umuwi ang eight-member P-Pop group matapos magtanghal sa harap ng international Blooms, sa Melbourne at Auckland, kung saan mainit silang tinanggap ng Filipino at international fans.
Para kay Aiah, ang pag-uwi matapos ang ilang linggo sa biyahe ay nangangahulugang oras ng pahinga kasama ang pamilya at mga kaibigan.
Inamin naman ni Sheena na nasorpresa sila sa mas malamig na panahon sa pinanggalingang mga bansa, at hindi sila completely prepared dahil kaunti lang ang dala nilang jackets.
Inihayag ng group leader na si Jhoanna na sa kabila ng pagtatanghal sa iba’t ibang panig ng mundo, patuloy pa rin silang namamangha sa suporta na kanilang tinatanggap sa ibang bansa, partikular ang pagka-puno ng malalaking venues na pinili para sa kanilang shows.
