![]()
Kinumpirma ng Malacañang na magbibigay ang gobyerno ng ₱60 na arawang wage subsidy sa mga small and medium enterprises na nahihirapang ipatupad ang bagong minimum wage increase.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, sa ilalim ito ng ilulunsad na Sagip Trabaho Program ng Department of Labor and Employment.
Layunin ng programa na maiwasan ang pagbabawas ng mga empleyado at pagsasara ng mga maliit na negosyo.
Ibibigay ang ayuda sa loob ng tatlong buwan o para sa mga buwan ng Oktubre, Nobyembre at Disyembre.
Upang maging kwalipikado, kailangang magsumite ang mga negosyo ng Department of Trade and Industry certificates, financial records at listahan ng mga empleyado sa online portal o DOLE regional offices.
Maglalabas din ang DOLE ng iba pang guidelines para sa programa.
