![]()
Sa gitna ng suspensyon ng rally ng MANIBELA, umarangkada naman ang dalawang araw na transport strike ng grupong PISTON.
Nagtipun-tipon ang mga miyembro ng PISTON sa Aurora Boulevard sa Cubao, Quezon City para sa kanilang protest action.
Kabilang sa hiling ng transport group na ibaba sa ₱55 ang bawat litro ng diesel, alisin ang excise tax at value-added tax sa mga produktong petrolyo at ibasura ang Oil Deregulation Law.
Ayon sa transport group, hindi sapat ang pisong dagdag sa pamasahe kumpara sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa mga nakalipas na buwan.
