dzme1530.ph

TATLONG ARAW NA TRANSPORT STRIKE NG GRUPONG MANIBELA, SINUSPINDE

Loading

Sinuspinde ng transport group na MANIBELA ang kanilang strike upang makipag-usap sa Land Transportation Office.
 
Kahapon ay nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga nagpoprotestang driver at mga tauhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa gitna ng kanilang aktibidad.
 
Ayon kay MANIBELA Chairperson Mar Valbuena, kinompronta nila ang ilang tauhan ng LTFRB nang makita nilang kumukuha ng mga larawan ng mga plaka ng kanilang mga jeep.
 
Nilinaw naman ni LTFRB Acting Chairman Greg Pua na ang kinukunan ng larawan ng kanilang mga tauhan ay mga pasaherong nahirapang mag-commute.
 
Gagamitin aniya ang mga larawan para sa pagde-deploy ng mga libreng sakay.

About The Author