dzme1530.ph

PANIBAGONG MOSYON NI DATING SENADOR BONG REVILLA NA MAG-INHIBIT ANG ISANG MAHISTRADO SA KANYANG KASONG PLUNDER, IBINASURA

Loading

Ibinasura ng Sandiganbayan Third Division ang pangalawang hiling ni dating Senador Ramon Bong Revilla Jr. na mag-voluntary inhibit si Associate Justice Karl Miranda sa kanyang malversation case.
 
May kinalaman ito sa sinasabing flood control project sa Pandi, Bulacan.
 
Hindi pinagbigyan ang mosyon ng dating senador dahil sa kawalan ng merito.
 
Una nang sinabi ni Revilla na si Miranda ay kapatid ni Atty. Buenaventura Miranda na nagsilbing legal counsel ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.
 
Si Bernardo ang nagturo kay Revilla na tumanggap ng komisyon sa flood control project.

About The Author