dzme1530.ph

AP, MAPEH, pag-iisahin sa revised K-12 Curriculum

Bubuo ang Department of Education (DepEd) ng bagong learning area para sa kindergarten hanggang grade 3 sa ilalim ng revised curriculum sa bansa.

Base sa draft ng revised K-12 curriculum, pagsasamahin ang social studies, kultura, sining, at kalusugan na tatawaging SIKAP o sibika, kultura, kasaysayan at kagalingang pangkatawan.

Ayon sa DepEd, tugon ito sa pagbibigay ng pansin sa foundational literacy sa first key stage o kinder hanggang grade 3 dahil parehong multidisciplinary subjects ang Araling Panlipunan at MAPEH.

Mabubuo rin sa curriculum sa pamamagitan ng science, technology, engineering and mathematics (STEM) na tututok sa engineering design process na gagabay sa mga mag-aaral tungo sa innovation.

Binigyang diin ng kagawaran na target nitong mapaigting ang technology at digital literacy, creativity, openness, critical thinking, problem-solving, reflective thinking, at future orientation ng mga mag-aaral. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author