![]()
Ibinaba ng Philippine Coast Guard (PCG) ang bilang ng mga nawawalang pasahero ng MV June Aster sa walo mula sa labindalawa.
Ito’y matapos ma-beripika ng PCG na apat na pasahero ang hindi nakasakay sa nasunog na barko.
Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, tatlo mula sa apat na indibidwal ang nagsabi na nagkamali sila at ang na-book nilang ruta ay pabalik.
Habang ang ika-apat na pasahero aniya ay nag-book ng panibagong ticket at bumiyahe patungong Coron sakay ng ibang barko noong Sep. 5.
Samantala, isa sa mga naunang nailigtas mula sa MV June Aster ang binawian ng buhay sa ospital, dahilan kaya umakyat na sa 77 ang bilang ng mga nasawi sa trahedya.