dzme1530.ph

NIÑO MUHLACH, BINAWIAN NG LISENSYA NG LTO SA LOOB NG DALAWANG TAON

Loading

Binawi ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng aktor na si Niño Muhlach matapos masangkot sa aksidente sa Antipolo City noong nakaraang buwan.
 
Hindi muna makakapagmaneho si Muhlach sa loob ng dalawang taon.
 
Ayon sa LTO, napatunayan na reckless driving ang nagawa ng aktor, at idineklara rin siyang improper person to operate a motor vehicle.
 
Samantala, nananatili sa alarm status ang sasakyan ni Muhlach upang matiyak na maipapataw ang parusa.
 
Batay sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang aktor matapos makaidlip habang nagmamaneho dala ng matinding pagod.
 
Isa ang nasugatan habang tatlong establisimyento at isang nakaparadang motorsiklo ang naararo ng SUV ni Muhlach. Binawi ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng aktor na si Niño Muhlach matapos masangkot sa aksidente sa Antipolo City noong nakaraang buwan.
 
Hindi muna makakapagmaneho si Muhlach sa loob ng dalawang taon.
 
Ayon sa LTO, napatunayan na reckless driving ang nagawa ng aktor, at idineklara rin siyang improper person to operate a motor vehicle.
 
Samantala, nananatili sa alarm status ang sasakyan ni Muhlach upang matiyak na maipapataw ang parusa.
 
Batay sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang aktor matapos makaidlip habang nagmamaneho dala ng matinding pagod.
 
Isa ang nasugatan habang tatlong establisimyento at isang nakaparadang motorsiklo ang naararo ng SUV ni Muhlach.
 

About The Author