dzme1530.ph

WALONG BATA, KABILANG SA MAHIGIT DALAWAMPUNG NASAWI SA PAGGUHO NG NASIRANG GUSALI SA GAZA

Loading

Hindi bababa sa dalawampu’t isang ang nasawi, kabilang ang walong bata habang may ilan pang nawawala, matapos gumuho ang nasirang gusali sa Gaza Strip.
 
Naiwang nakatagilid ang anim na palapag na gusali sa Tal al-Hawa area sa Gaza City kasunod ng Israeli strike mahigit isang taon na ang nakalipas.
 
Sa kabila ng delikadong sitwasyon ay pinili pa rin itong tirhan ng mga pamilyang nawalan ng bahay dahil sa digmaan.
 
Nagsanib-puwersa ang United Nations (UN) agencies at Egyptian team para maghanap ng mga survivor, subalit sinabi ng mga opisyal na mabagal nila itong magagawa dahil sa kakulangan ng kagamitan.

About The Author